Pintasero
Isa sa paboritong kong awit. Maaring Mabuhay Singers ang umawit, subalit hindi ko alam ang kompositor.
Titik:
Mga Ginoo: Ang sarap ng ulam natin ay bale wala
Pagkat ang sinaing mo'y pagka lata lata
Sa tuwing susubo ako, nakasusuya
Kung ganyan din lang nilugaw na ang ibig ko
kaysa parang pandikit na nakikita mo
Kung lagi nang kay lambot ng kanin mo
Ay asahan mong manglalambot na rin ako
Mga Ginang: Kung maligat ang palagi mong hinihintay
Magbukod na tayo sa tig-isang saingan
na hindi laging kita ay nag-aaway
Di ko na naaasahang maibigan mo
ang sinaing na sintigas ng ulo mo
Sa ligat daw ng kanin ng lolo ko,
Nahirinan lang nabyuda na ang lola ko
Mga Ginoo: kay lamig naman tong sabaw ng sinigang
kulang sa sampalok at pagkatabangtabang
bakit ba tayo ganyan, sa araw araw?
Mga Ginang: pintasero ka naman at nakakainis
kung manumbat ay lubhang pagkasakitsakit
Sabay: Upang tayo ay di na magkagalit,
Tena sa panciteria't kumain ng pancit
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento